Saturday May, 04 2024 11:52:09 AM

9 dead in Aleosan skirmishes

Mindanao Armed Conflict • 08:00 AM Sat Dec 10, 2022
686
By: 
DXMS Radyo Bida Cotabato

COTABATO CITY  - Siyam na ang kumpirmadong patay kabilang ang limang CAA member matapos ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng Civilian Active Auxiliary o CAA member at armadong grupo sa Sitio Mantawak, barangay Tapodoc, Aleosan, Cotabato, alas 2:20 ng hapon kahapon.

Sa report ng Aleosan PNP, bago ang palitan ng putok ay una umanong inambush ng mga armadong suspek ang isang CAA member habang sakay ito sa isang motorsiklo na kinilalang si Ramel Santillan.

Dahil dito, agad na rumesponde ang kanilang mga kasamahan na nagresulta sa tatlong oras na bakbakan.  Apat mga CAA member pa ang patay sa engkwentro na kinilalang sina Jomar Roben, Jesry Galo,Melvin Cabrerra at Johnrey Cabrerra.

Sugatan naman ang kasama nilang sina Ariel Wacan, Gibel Galo, Harison Galo at isang kasapi ng CVO na si Dante Boboy.

Sa panig naman ng mga armadong suspek ay tatlo ang patay on the spot na kinilalang sina Pikal Taya, , Taher Odin at Sammy Ayunan.

Sugatan naman ang kasam nilang si Tikoy Piang.

Isang sibilyan din ang nadamay sa bakbakan na umano’y binaril ng mga suspek na kinilalang si Moises Galo.

Sinabi sa Radyo Bida ni Aleosan PNP Chief, Police Major Jenefier Amotan na patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

 

DENR-12 MANP Cotabato documents encounter with "Ibong Adarna"

KIDAPAWAN CITY - Four birds of the Philippine Trogon (Harpactes ardens), a bird species associated with the mythical Ibong Adarna, were documented...

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...

Barangay treasurer sa Cotabato City, anak na babae, patay sa ambush, isa pa sugatan

COTABATO CITY - DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang si Mhadz Mamantal, Treasurer ng Mother Barangay Bagua, driver ng...

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...