Wednesday May, 08 2024 10:09:39 PM

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

Peace and Order • 11:00 AM Mon Nov 28, 2022
510
By: 
DXMS Radyo Bida Cotabato
For illustration purposes only from public site

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito.

Una nito, dumulog sa Police Station 1 ng Cotabato City PNP ang may-ari ng motorsiklo na si Alliudin ALiman na taga Rosary Heights 3 matapos nakawin ang kanyang XRM motorcycle na noo'y nakaparada lang sa kanilang bahay.

Habang nagfa-facebook, nakita niyang naka post ang kanyang motorsiklo at binebenta ito ng mga suspek na kinilalang sina Mosram Adam at Sul Kipos na mga taga Pikit, Cotabato.

Dahil dito ay agad na ikinasa ng Cotabato City Police Station 1 sa pangunguna ni Police Major John Vincent Bravo ang entrapment operation katuwang ang Matalam PNP sa Matalam, North Cotabato kung saan nangyari ang operasyon.

Dito ay nahuli ang dalawa na ngayon ay naka kulong na sa Custodial Facility ng Police Station 1, Cotabato City.

MP Sinolinding, itinalaga bilang bagong BARMM health minister

Itinalaga ni BARMM Chief Minister Murad Ebrahim bilang bagong Ministry of Health Minister si Dr. Kadil "Jojo" Sinolinding Jr. Si Sinolinding...

NDBC BIDA BALITA (May 8, 2024)

HEADLINES 1   MINDANAO PEACE process, posibleng maaapektuhan kung sakaling matalo ang MILF sa 2025 elections, ayon sa isang political...

Soccsksargen niyanig ng Magnitude 4.8 na lindol

NIYANIG NG Magnitude 4.8 ang Saranggani, South Cotabato at Sultan Kudarat kanina. Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay tectonic in origin at...

Energy Conservation Tips - Air Conditioner for Cotabato Light

Kuryentalks: Energy Conservation Tips - Air Conditioner 1. Set a comfortable temperature on your thermostat. When using an air conditioner, set...

Thousands displaced as rival Moro groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY --- Local officials are struggling to disengage two feuding Moro factions in Mamasapano town Maguindanao del Sur that clashed again...