Thursday May, 02 2024 03:28:35 PM

Pulis, customer at 4 na holdaper patay sa robbery hold-up at police pursuit operation sa Mlang

Local News • 09:15 AM Thu Nov 24, 2022
1
By: 
DXND radyo Bida
Photo by DXND

MLANG, NORTH COTABATO - Nakipaghabulan pa sa mga pulis ang mga hold up suspects bago napatay ang apat mula sa labindalawang armadong suspect sa Barangay Bagontapay, Mlang North Cotabato ala 1:00 ng hapon kahapon.

Kabilang din sa nasawi sa operasyon ang PNP member na nakilalang si SSgt. Rudy Verona Amihan Jr,. habang sugatan naman Cpl Noli Gasque Labesores, na parehong Mlang PNP member at Patrolman Herzon Alimpolos Neyra ng Police Mobile Force Company na taga Kidapawan City.

Ang customer naman kumain lamang sa tindahan ay binaril at napatay din ng mga suspect ay nakilalang si Jack Gumilao, 53 years old at isa pang kasama nito na si Jose Gyenes Patlubay ng Barangay Bagumbayan, Tulunan.

Nakapanayam ng Radyo BIDA si Mlang Vice Mayor Joselito Mayor Pinol hinggil dito.

Sinabi ni Pinol na nagdeklara ng hold-up ang mga armadong suspect sa bakeshop at tinangay ay P17,000 cash.

Bago tumakas, binaril pa ang dalawang mga customer.

Sa hot pursuit operation, naghabulan at nakipagbarilan ang mga suspect sa rumespondeng pulis kung saan umabot pa sila sa Barangay Sangat, Mlang.

Sa labindalawang mga suspect, walo ang nakatakas habang ang mga nasawi ay nasa punerarya na pero hanggang sa ngayon ay wala pang claimant. 

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...