Friday May, 03 2024 02:56:17 AM

Klase suspendido sa ilang lugar sa South at North Cotabato dahil sa malakas na ulan

Local News • 07:00 AM Thu Nov 17, 2022
605
By: 
NDBC NCA

KORONADAL CITY - DAHIL SA MALAKAS NA BUHOS NG ULAN SA South Cotabato at Koronadal City, idineklara ni City Mayor Eliordo Ogena ang suspension of classes in all levels sa buong lungsod.

Kagabi pa nagsimula ang ulan sa Koronadal at kalapit mga lugar. 

Hanggang ngayong umaga ay malakas pa din ang buhos ng ulan dahil ito sa ITCZ na nasa Mindanao at ang isa pang weather disturbance na namataan ng Pag-asa malapit sa Gen. Santos City.

Sa North Cotabato, suspendido din ang klase in all levels sa mga bayan ng Kabacan at Tulunan dulot ng halos magdamag na buhos ng ulan. Sa Matalam, suspendido na din ang klase.

Unang inirekomenda ng municipal disaster risk reduction and management council ang suspension na inaprobahan naman ng local government executives.

Ito ay para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat.

Sa bayan ng Tampakan, South Cotabvato, nagdeklara na rin ng suspension of classes sa lahat ng antas si Mayor Leonard Escobillo.

Nananawagan din si Escobillo sa mga mamamayan ng Tampakan na nakatira sa mga landslide at flashflood prone areas na maging mapagmatyag at agad na lumikas kung kinakailangan.

Sa bayan ng Norala, kinumpirma din ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Aiza  Lim ang pag-suspende ng klase ni Mayor Clemente Fedoc.

Sinabi din sa Radyo bida ni Tantangan Mayor Timee Joy Torres-Gonzales ang pag-suspend nito ng klase ngayong araw sa kanilang lugar.

Sa Lake sebu, pinagiinigat naman ni Mayor Floro Gandam ang mga mamamayan sa posibleng baha at landslide kasabay ng pag-suspend nito ng klase.

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...