Thursday May, 02 2024 02:51:18 PM

2 pautang collector, patay sa pamamaril sa Datu Salibo, Maguindanao del Sur

Local News • 12:30 PM Tue Nov 15, 2022
743
By: 
DXMS Radyo Bida Cotabato/Ruffa Mokalid

PATAY ANG DALAWANG mga collector ng pautang matapos pagbabarilin sa bahagi ng Barangay Pagatin, Datu Salibo, Maguindanao mag a-alas otso ng umaga kanina.

Kinilala ang mga biktima na sina Ninonel Bentoy,28 yrs old at Carl Denilla, 20 years old. Sila ay parehong mga residente ng Pikit North Cotabato.

Sa imbestigasyon ng Datu Salibo PNP sa pangunguna ni Major Roldan Kuntong, galing sa Barangay Sambulawan, Datu Salibo ang mga biktima sakay ng Bajaj motorcycle nang bigla silang sundan ng riding in tandem suspects at biglang pinagbabaril.

Dagdag sa report, ang mga biktima ay nagpapautang ng mga gamit sa bahay tulad ng plasticwares, sofa at iba pa.

Caliber .45 at caliber 9mm pistol ang ginamit sa pamamaril sa mga nakuhang siyam na empty shells.

Sa ulo tinamaan ang mga biktima dahilan ng kanilang agarang kamatayan.

Isa sa mga sinusundang anggulo ng Datu Salibo PNP ay robbery dahil tinangay ng mga salarin ang motor at bag ng mga biktima na may lamang pera.

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...