Friday May, 03 2024 07:08:11 AM

Suspect sa pagpatay sa nurse sa Dalican, Maguindanao kusang sumuko

Local News • 22:00 PM Thu Nov 3, 2022
676
By: 
RUFFA MOKALID/DXMS Radyo Bida Cotabato

COTABATO CITY - BOLUNTARYONG SUMUKO kahapon sa Datu Odin Sinsuat LGU ang suspect sa pagbaril at pagpatay sa nurse sa Dinaig District Hospital sa Dalican, Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Kinilala ang suspect na si Manalao Nur alias Bots.

Siya ang itinuro ng mga saksi na bumaril sa on duty nurse na si Nelson Mantawil noong Oct. 27.

Sinabi sa DXMS Radyo Bida ni Maguindanao PNP Spokesperson Major Reggie Albellera na kusang sumuko ang suspek kay Datu Odin Sinsuat Mayor Datu Lester Sinsuat.

Sinabi pa ni Albellera na pinuntahan ng Datu Odin Sinsuat PNP sa pangunguna ni Lt. Colonel Nelson Madiwo ang bahay ni Mayor Sinsuat upang kunin ang suspek at dalhin sa police station.

Nagsisisi naman ang suspek sa kaniyang nagawa pero ayon sa pamilya ng biktima, hustisya ang gusto nilang makamit.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong murder na isasampa kay Nur.

 

 

 

 

 

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...