3 Marines sugatan sa ambush sa Lanao Sur
Mindanao Armed Conflict • 07:00 AM Mon Sep 26, 2022
814
By:
DXMS RADYO BIDA
SUGATAN ANG tatlong kasapi ng 2nd Marine Battalion Landing Team o MBLT-2 matapos pagbabarilin sa Barangay Picong, Lanao del Sur pasado alas sais kagabi.
Ito ay kinumpirma mismo sa DXMS Radyo Bida ni MBLT-2 Battalion Commander LTCOL Serge Ronquillo.
Kinilala ang mga biktima na sina PFC Stephen Saragal, PFC Elijah Taccas at PVT Romy Torallo Jr.
Lumalabas sa imbestigasyon na nagpapatrolya sa lugar ang mga biktima sakay ng KM450 ng bigla silang paputukan ng di pa natukoy na mga suspect.
Hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng hot pursuit operation ang PNP at AFP upang maaresto ang mga salarin.
Samantala, ang mga biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa paa ngunit nasa maayos na silang kalagayan, ayon kay Lt. Colonel Ronquillo.