Malawakang brownout sa Magelco service area, di na raw matutuloy
GOVERNANCE/POLITICS • 22:45 PM Thu Jun 9, 2022
930
By:
DXMS Radyo Bida Cotabato
COTABATO CITY - HINDI NA MATUTULOY ang power curtailment o pagbabawas ng supply ng kuryente ng PSALM sa MAGELCO kasunod ng isinagawang negotiation sa pagitan ng Provincial Government ng Maguindanao, MAGELCO, NGCP at NEA.
Ito ang sinabi sa Radyo Bida ni Maguindanao Provincial Administrator Atty Cyrus Torreña kung saan nagpapatuloy pa ngayon ang kanilang meeting sa Metro Manila.
Sa ngayon nakatutok sila sa gagawing Restructuring Proposal na gagawin ng MAGELCO kung saan nakapaloob ang kasunduan kung papaano babayaran ng MAGELCO ang utang nito sa PSALM at NGCP.