Sunday May, 19 2024 11:25:53 AM

Bata patay makaraang makuryente sa Norala, South Cotabato

Local News • 12:30 PM Fri Apr 29, 2022
774
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal

NORALA, SOUTH COTABATO - Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng isang menor de edad matapos makuryente sa Barangay Matapol sa bayang ito.

Kinilala ang nasawing biktima na si Joshua Alvarez, 16 taong gulang, estudyante at residente ng Brgy. Matapol ng nasabing bayan.

Sa panayam ng Radyo Bida sa ina nitong si alyas Bebeng, sinabi niya na pasado ala-1 ng madaling araw nang pauwi na galing umano sa discohan si Alvarez kasama ang kaniyang dalawang barkada sakay ng motorsiklo ngunit nadulas sila dahil sa ulan kaya minabuti nilang maglakad na lang.

Aksidente namang natapakan at nagkabuhol-buhol sa paa ni Bonbon ang live wire sa daan mula sa bakod ng bahay ni Marlow Bulanos kaya't natumba ito habang nakukuryente.

Nagpanic naman ang mga kasama nito sa pagligtas sa kaniya kung saan isinugod siya ng kaniyang pamilya at kaibigan sa Norala District Hospital, ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Ayon naman kay Bulanos, ginawa niya ang de-kuryenteng bakod dahil minsan na siyang ninakawan ng kaniyang mga alagang hayop.

Hindi rin umano niya ninais ang pangyayari at nais niya lang mapangalagaan ang mga kahayupan nito.

Ganunpaman, desidido ang pamilya ni Bonbon na sampahan ito ng kaso kung saan murder ang kakaharapin nito.

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...