Saturday May, 04 2024 06:48:42 AM

BARMM READi, Red Cross send aid to freak tornado victims in Kalanganan

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 15:15 PM Tue Apr 26, 2022
1
By: 
Jennifer Tan Sia/BARMM READi

COTABATO CITY - Tinungo ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READi) ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) BARMM kasama ang Philippine Red Cross Cotabato City-Maguindanao Chapter ang Sitio Ked’po Kalanganan 1 Cotabato City, upang mabigyan ng tulong ang mga residente doon na nasiraan ng mga bahay dahil sa malakas na hangin na tumangay sa mga bubong ng kanilang mga bahay.

Naiiyak na ibinahagi ni Norhana Salem, may apat (4) na anak, isa sa mga nasiraan ng bahay noong ika-21 ng Abril. Ayon sa kanya “parang bangungot ang nangyari sa amin noong araw na iyon, akala namin ay normal na ulan pero nagulat po kami dahil biglang tinangay ng malakas na hangin ang atip namin.”

Dagdag pa nito, “malaking bagay po na dumating kayo dito sa amin, at kahit papaano po ay may maihain kami lalo napo ngayong panahon ng Ramadhan.”

Nananawagan din si Ginang Salem, na sana ay matulungan sila ng Bangsamoro Government upang maipatayong muli ang kanilang bahay.

Sa ngayon ay pansamantalang nanunuluyan muna ang mga apektadong pamilya sa mga bahay ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Samantala, nauna ng tinungo ng Bangsamoro READi Rescue Team ang Barangay Kalanganan Mother upang tumulong sa pagtanggal sa nakaharang na malaking puno ng akasya na natumba sa gitna ng daan dahil din sa malakas na hangin noon ding gabi ng 21 April 2022.

May be an image of 1 person, child and text that says 'BANGSAMORO REA People F'

May be an image of outdoors

May be an image of outdoors

 

DENR-12 MANP Cotabato documents encounter with "Ibong Adarana"

KIDAPAWAN CITY - Four birds of the Philippine Trogon (Harpactes ardens), a bird species associated with the mythical Ibong Adarna, were documented...

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...

Barangay treasurer sa Cotabato City, anak na babae, patay sa ambush, isa pa sugatan

COTABATO CITY - DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang si Mhadz Mamantal, Treasurer ng Mother Barangay Bagua, driver ng...

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...