Datu Odin Sinsuat, Maguindanao binaha kagabi
Climate Change/Environment • 08:15 AM Wed Mar 9, 2022
1
By:
DXMS RADYO BIDA
BINAHA ANG LOW LYING AREAS sa Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao dahil sa pagbaha.
Nagsimulang tumaas ang tubig sa mga kalsada alas 5:30 ng hapon kasunod ng malakas na ulan.
Agad na pinakilos ni Datu Odin Sinsuat Mayor Cheryl Mary Rose Ann Sinsuat ang municipal disaster risk reduction units upang tulungan ang mga nabahaan.
Nabigla ang karamihan dahil kauna-unahan ito sa kanilang lugar. Ilan sa kanila pansamantalang nanunuluyan sa town covered court.
Binaha na rin kaninang madaling araw ang mga low lying areas sa Barangay Kurentem, Datu Odin Sinsuat.
Ang rescue operation ay ginawa alas 2:30 ng umaga kanina.
Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan.