Monday May, 20 2024 08:35:32 AM

Amnesty sa MILF, MNLF pinapurihan BARMM MP Candao

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 20:15 PM Sun Jan 30, 2022
710
By: 
Kristine dela Peña

PINAPURIHAN NI BANGSAMORO Member of Parliament Bai Maleiha Candao si P. Duterte dahil sa ipinalabas nitong Presidential Proclamation 1090 na nagbibigay amnesty sa mga kasapi ng MILF.

Patunay aniya ito na tapat ang national government na magkaroon ng tunay na kapayapaan sa Mindanao alinsunod sa nakasaad sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Ito ay magbibigay pagkakataon sa mga MILF members na mamuhay ng maayos matapos mapawalang sala sa kanilang political offenses.  Sakop din ng amnesty ang MNLF.

Kasama sa amnesty ang mga nakapiit dahil sa kanilang political offense at hindi saklaw ang paglabag sa Human Security Act of 2007 o Anti-Terror Act of 2020.

Hindi sakop ng amnesty ang personal crime na gawa ng isang MILF member tulad ng kidnap for ransom, massacre, rape, illegal drugs, terrorism at iba pang paglabag sa Revised Penal Code.

Nauna rito, pinuri din ng BARMM leadership ang hakbang na ito ng Malakanyang.

 

NDBC BIDA BALITA (May 20, 2024)

HEADLINES 1   DALAWA SUGATAN nang pasabugan ng granada ang isang kapilya ng Simbahang Katoliko sa Cotabato City 2  ...

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...