MP Candao: Multi-Purpose Learning Center sa Buldon, Maguindanao malapit nang matapos
MINAMADALI ng Bangsamoro Region in Muslim Mindanao Ministry of Public Works o MPW-BARMM ang ipinatatayong Multi-purpose Learning Center sa Barangay Salaan, Buldon, Maguindanao.
Ang proyekto ay ngkakahalaa ng P1.6 million na pondo mula sa Transitional Development Impact Fund o TDIF-2020 ni Bangsamoro Transition Authority Member of Parliament o BTA-MP Bai Maleiha Candao.
Ayon kay MP Candao, ang nasabing proyekto ay mapapakinabangan ng mga mahihirap na mga mamamayang Bangsamoro at mga estudyante para sa kanilang mga pagtitipon at iba pang mga mahahalagang okasyon.
Pinasalamatan niya si Public Works Minister at MP Eduard Guerra dahil sa pangako nitong matatapos ang proyekto sa takdang panahon.
Aniya, napili ang proyekto sa Buldon alisunod sa moral governance na isinusulong ni BARMM chief Minsiter Ahyod Ebrahim at ni P. Duterte para sa Bangsamoro.