Friday May, 03 2024 11:03:47 AM

Isa pa nga! 3rd Bayanihan, Bakunahan pangungunahan ng DOH sa Region 12

HEALTH • 16:30 PM Tue Jan 18, 2022
551
By: 
DXOM-RADYO BIDA KORONADAL

KORONADAL CITY-Magkakaroon ang region-wide Bayanihan, Bakunahan vaccination days ang Department of Health o DOH 12 sa January 24, 25 at 26 at sa February 7,8 at 9.

Katuwang ng DOH 12 sa pagsasagawa nito ang mga local government units at kanilang mga local offices sa SOCCKSARGEN.

Ayon kay DOH 12 Immunization Program Coordinator Dr. Edvir Jane Montañer layon nito na makapagbakuna ng mas maraming mga mamamayan.

Ipinahayag ni Montañer na ang malawakang COVID-19 vaccination ay para sa mga hindi pa nabakunahang mga mamamayan at mga hindi nabigyan ng ikalawang dose.

May inilaan ding bakuna ayon kay Montañer para naman sa mga magpapa-booster shot.

Hindi pa nabakunahan kontra COVID-19 ang mahigit 1.2 million na mga mamamayan sa SOCCKSARGEN as of January 11.

Habang mahigit 71,000 naman ang naturukan na ng booster shot.

Ito ay base naman sa datus ng DOH 12.

Target ng DOH 12 na mabakunahan sa Region-wide Bayanihan Bakunahan ang mahigit limang daang libong mga mamamayan kada araw.

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...