Veterinary assistant, patay sa vehicular crash sa Mlang, North Cotabato
MLANG, North Cotabato – Patuloy na tinutugis ang driver ng isang multicab na nakasagi sa motorsiklong sinasakyan ng isang veterinary assistant sa Barangay Tibao sa bayan na ito.
Nasawi sa insidente si Jenamie Lee Dasig, isang vet assistant sa Kidapawan City.
Batay sa paunang imbestigasyon, pauwi na sana ang si Dasig sakay ng motorosiklo na minamaneho ng kanyang mister nang masagit ito ng humaharurot na multi-cab sa national highway.
Sa halip na tumigil at dalhin ang biktima sa pagamutan, tumakas ang suspect at hanggang ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga police.
Panawagan ng mga kaanak at kaibigan nito sa driver ng nakabundol na multicab na sumuko na sa mga pulis sa lalong madaling panahon.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing aksidente.