Lalaki patay habang natutulog nang araruhin ng van ang bahay sa Rajah Buayan, Maguindanao
COTABATO CITY - Isang residente ang nasawi nng araruhin ng puting D4D van mga bahay sa gilid ng highway na yari sa light materials sa Barangay Zapakan, Radjah Buayan, Maguindanao kaninang tanghali.
Nasaktan din ang driver at ilang pasahero ng van.
Ayon sa pahayag ng municipal disaster response team, nawalan ng control ang driver dahil diumano sa bilis ng patakbo nito kung kaya napunta sa gilid ng highway ang sasakyan at nahagip ang mga bahay .
Ang nasawi ay natutulog sa duyan nasa loob ng bahay nang maganap ang insidente ayon kay Rajah Buayan Mayor Yacob Ampatuan.
Si Mayor Ampatuan at ang mga kawani ng Disaster Risk Reduction and Management Office ay agad na nag responde sa insidente.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga kasapi ng Radjah Buayan Municipal Police Station ang insidente. -