Primary suspect sa pagpatay kay Orlando DonDon Dinoy, kinasuhan na
KIDAPAWAN CITY - PORMAL NANG SINAMPAHAN ng kasong murder si Brandie Mercado Campaner, ang suspek na bumaril at pumatay sa Tingong Mindanao Radio Alliance reporter ng Notre Dame Broadcasting Corporation na si Orlando "Dondon" Dinoy, kaninang umaga.
Sa isang pahayag sinabi ni Philippine National Police XI Regional Director BGen. Filmore Escobal na alas 8:10 kaninang umaga tinanggap ng korte sa Bansalan, Davao del Sur ang kaso na isinampa ng Special Investigation Task Group (SITG) Orlando "Dondon" Dinoy.
Maaalalang binaril at napatay si Dondon Dinoy nitong October 30, sa loob ng kanyang apartment sa Madre Ignacia St. Bansalan, Davao del Sur.
Sinabi ni Escobal, na ginawa nilang basehan sa pagsasampa ng kaso ay ang mga testimonya ng mga witness at ang cartographic sketch.
Siya ay patuloy pang nakalalaya.
Si Dinoy ay halos isang dekada ng TIMRA reporter ng NDBC.