Saturday May, 18 2024 10:29:42 PM

Tricycle driver nasunog matapos maaksidente sa Sarangani

Peace and Order • 11:15 AM Tue Nov 2, 2021
1
By: 
DXOM-AM Radyo Bida Koronadal
The tricycle was still in flame when responders arrived along the national highway in Malapatan, Sarangani. (MDRRMO photos)

MALAPATAN, Sarangani- Kalunos-lunos ang sinapit ng isang tricycle driver matapos masangkot sa vehicular crash sa Malapatan, Sarangani Province kaninang umaga.

Kinilala ni Malapatan Bureau of Fire Protection opertions officer SFO2 Ernesto Besana ang nasawing biktima na si Anthony Abrasado, at taga lungsod ng Koronadal.

Nangyari  ang aksidente bandang alas 5:40 kaninang umaga kung saan papuntang Glan ang biktima lulan ang tricycle kasama ang asawa at dalawang anak nito.

Ayon sa mga testigo, mabilis umano ang takbo ng Raider 150 na minamaneho ni Aglobo Roy Dalongdong na papuntang Gensan City at nabangga ang tricycle.

Sa lakas ng impact ay sumiklab ang Raider.

Hindi na nakaligtas pa si Abrasado at nilamon ng apoy matapos na-trap ang paa nito sa tricycle.

Kaagad isinugod ang mga biktima sa Sarangani Provincial Hospital.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, papunta sana ang pamilya sa Glan upang makilibing sa kanilang kaanak.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...