Thursday May, 02 2024 01:59:49 PM

Tacurong City Councilor who tested positive of COVID-19 dies

Local News • 11:30 AM Tue Sep 28, 2021
592
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal

Naka-half mast ngayon ang bandila sa Tacurong City Hall.

Ayon kay Tacurong Information Officer Allan Freno ito ay bilang pagadadalamhati na rin ng LGU sa pagpanaw ni City Councilor Maximo Casador Jr. kahapon ng madaling araw.

Nilinaw naman ni Freno na bagama’t nagpositibo sa COVID-19 ang antigen test ng sumakabilang buhay na city councilor wala pang kumpirmasyon ang RT-PCR test nito.

Gayunpaman ayon kay Freno nagdesisyon ang pamilya ng pumanaw na city councilor na ipa-cremate ang mga labi nito.

Ayon kay Freno ang 77 taong gulang na si Casador ay nasa ikalawang termino nito ngayon bilang councilor ng Tacurong City.

Ipinahayag din nito na si Casador ay mayroon ding comorbidities dahilan para siya isugod sa ospital

Sinabi ni Freno na para maiwasahan ang hawaan sakali mang may magpositibo sa kanila, ipinatutupad ngayon ng Tacurong LGU ang 50/50 work scheme sa kanilang mga kawani.

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...