Monday Apr, 29 2024 01:24:15 AM

Ambulansya nadisgrasya, sakay na pasyente nasawi sa Maguindanao

Local News • 11:15 AM Sun Sep 26, 2021
1
By: 
Ruffa Mokalid/DXMS Radyo Bida
Photos courtesy of Musalim Timbao and Datu Salam Untong

COTABATO CITY  - Dean on arrival sa pagamutan ang isang ginang na sakay ng ambulansya sa nangyaring aksidente sa Barangay Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Baimasla Adam, 22 years old at residente ng Barangay Sapalan ng nasabing bayan habang ang driver ng ambulansya ay si Jojo Tong, 42 years at taga bayan ng Datu Piang.

Base sa initial investigation ng Datu Odin Sinsuat PNP, skaay ng ambulansya ang biktima galing Dinaig Hospital upang dalhin sana sa isang pagamutan sa Cotabato City ngunit pagsapit sa kanto ng Barangay Taviran ay bigla nitong nabangga ang isang mini van na papalabas sana sa nasabing kanto.

Kinilala ang driver ng mini van na si Amir Salik, 32 years old habang sakay nito sina Ann-Ann Salim, 29 years old at isang 7 years old na bata.

Sila ay pawang mga taga bayan ng Kabuntalan. Dagdag sa imbestigasyon ng mga otoridad, nabangga rin ng mini van ang isang SUV (Fortuner) na galing naman sa Cotabato City.

Ang Toyota Fortuner ay minamaneho ni Sandrabai Taha, 51 years old, nurse at residente ng bayan ng Sultan Kudarat.

Pare-parehong dinala sa hospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival si ginang Baimasla na sinasabing kapapangak pa lamang habang ang mga sakay ng mini van ay nasa malubhang kalagayan at kasuluyang ginagamot.

Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP hinggil sa aksidente. (Ruffa Mokalid)

May be an image of 1 person, car, outdoors and text that says '#S Shot on Y15 Vivo AI camera 2021.09.25 11:44'

May be an image of 3 people, people standing, car and road

Cotelco announces power service interruption

Carmen area TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following...

Dealer killed, P13.6-M worth shabu seized in Sulu PDEA operation

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents seized P13.6 million worth shabu from a peddler who was killed in a shootout he provoked when he sensed he...

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...