BARMM COVID update: 1 dead, 26 new cases
COTABATO CITY - SA BANGSAMORO REGION, isa pang taga Maguindanao ang namatay dahil sa COVID-19 ayon sa Ministry of Health.
Dahil dito, tumaas pa ng hanggang 359 ang total death cases sa BARMM.
Samantala, mas mataas naman ang bilang ng mga gumaling kaysa mga bagong kaso ng nakamamatay na sakit.
Sa latest tally ng MOH-BARMM, abot sa 29 ang mga gumaling, higit na mas marami ito kaysa 26 lang na bagong kaso.
Nanguna ang Maguindanao sa may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso na umabot sa labing tatlo, sinundan ito ng Cotabato City na may 10 new infections, ang Lanao del Sur at Marawi City ay may 2 new cases habang ang Basilan at Lamitan ay may isa.
Dahil dito, ang total coronavirus infections ay tumaas pa ng hanggang 9,327 habang nasa 8,530 ang total recovered patients.
Nasa 448 naman ang aktibong kaso.