Pilipinas may gold medal na sa Tokyo Olympics, thanks Hidilyn Diaz
ISANG NAPAKALAKING KARANGALAN ang bigay ni Hidilyn Diaz sa kasaysayan ng bansa ngayong gabi.
Binigyan niya ng kauna-unahang gold medal ang Pilipinas sa Tokyo Olympics, matapos talunin ang world record holder na na si Qiuyun Liao ng China.
Habang tinutugtog ang isang "hard rock music" sa background sa Tokyo International Forum, binuhat ng 30-taong gulang na bayani mula Zamboanga City ang world record-matching 127 kilograms sa kanyang ikatlong pagbuhat ng upang kunin ang gold medal sa pamamagitan ng kanyang highest lift na 224 kg.
Sa awarding, first time na narinig ang pambansang awit ng Pilipinas - Lupang Hinirang - at lumuluha si Diaz bago tinanggap ni Hidilyn ang gold medal.
Hindi natigil tigil ang pagluha at pag-iyak ni Diaz kahit tapos na ang awarding. Tears of Joy ito, aniya.