Thursday May, 09 2024 05:53:09 AM

SoCot closely watching borders vs. COVID-19 Delta variant

HEALTH • 08:15 AM Sun Jul 25, 2021
560
By: 
NDBC NCA

KORONADAL CITY- Tinututukan ngayon ng COVID-19 monitoring ng provincial health office ng South Cotabato ang mga bagong kaso sa mga komunidad..

Ayon kay Integrated Provincial Health Office o IPHO Disease Surveillance Officer Celia Lorenzo, ginagawa nila ito sa pakikipagtulungan sa mga health offices at ospital.

Layon nito na malaman kung ligtas pa rin sa mas nakakahawang virus ang lalawigan lalo na ng Delta variant.

Nilinaw ni Lorenzo na wala pang naitalang COVID-19 Delta variant sa South Cotabato pero may naitala nang mga kaso nito sa ibang rehiyon na maaring makapasok din sa lalawigan.

Ayon kay Lorenzo ang mga close contact na traveler na dumating at nakasabay sa eroplano ng nagpositibo sa COVID-19 Delta variant ay nag-negatibo sa RT-PCR testing at pinayagan nang makauwi.

Ang tanging kinumpirma lamang noon ng IPHO South Cotabato ang pagpositibo sa South African at Brazilian strains ng COVID-19 ng dalawang umuwi at gumaling na mga OFW. (Roel P. Osano)

Cotabato Light issues another tips to save electricity

Kuryentalks: Energy Conservation Tips - Refrigerator 1. Do not overfill your refrigerator. That interferes with the circulation of cold air inside...

MP Sinolinding, itinalaga bilang bagong BARMM health minister

Itinalaga ni BARMM Chief Minister Murad Ebrahim bilang bagong Ministry of Health Minister si Dr. Kadil "Jojo" Sinolinding Jr. Si Sinolinding...

NDBC BIDA BALITA (May 8, 2024)

HEADLINES 1   MINDANAO PEACE process, posibleng maaapektuhan kung sakaling matalo ang MILF sa 2025 elections, ayon sa isang political...

Soccsksargen niyanig ng Magnitude 4.8 na lindol

NIYANIG NG Magnitude 4.8 ang Saranggani, South Cotabato at Sultan Kudarat kanina. Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay tectonic in origin at...

Energy Conservation Tips - Air Conditioner for Cotabato Light

Kuryentalks: Energy Conservation Tips - Air Conditioner 1. Set a comfortable temperature on your thermostat. When using an air conditioner, set...