Lalaki patay sa pamamaril sa Surallah, South Cotabatol, suspect ama at kapatid ng kanyang GF
SURALLAH, SOUTH COTABATO - Patay ang isang 33 taong gulang na lalaki matapos na barilin habang katabi ang kanyang girlfriend sa Barangay Little Baguio sa bayan na ito kagabi.
Kinilala ng Surallah PNP ang biktima na si Richel Berden Rubio, 33 taong gulang at taga Barangay Laconon, T’boli, South Cotabato.
Personal grudge ang tinitingnang motibo ng PNP sa nangyaring pagpatay sa biktima sa Sitio Matinong, Barangay Little Baguio alas otso kagabi.
Nanonood lamang ng umano ng video sa kaniyang cellphone si Rubio kasama ang kaniyang live-in partner sa kusina ng bahay ng kanyang kaibigan nang umalingawngaw ang isang putok ng baril.
Si Rubio ay tinamaan sa ulo at nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.
Kilala na umano ng mga police ang mga suspect na sinasabing ama at kapatid ng girlfriend ni Rubio dahil tutol ang mga ito sa kanilang relasyon.