Friday May, 03 2024 07:48:40 PM

Sanggol sa Norala, South Cotabato, inilagay sa bag at isinabit sa gate ng isang bahay

Local News • 15:45 PM Tue Jun 29, 2021
805
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal

KORONADAL CITY- Nasa mabuting kalagayan na ngayon ang isang sanggol na inabandona sa harap ng isang tahanan sa Norala, South Cotabato kaninang madaling araw.

Ang bata na inilagay sa blue backpack ay isinabit sa isang tahanan sa Purok Aquino, Barangay San Miguel, Norala, South Cotabato

Sinabi ni Mary Kris Aquino-dela Cruz na taga Norala na nadiskubre ang sanggol pasado 5:30 ng umaga ng isa sa kanilang mga tauhan na si Ricky Dequina kung saan agad naman nila itong ipinaalam sa barangay para mabigyan ng medikal na atensyon ang sanggol.

Dagdag ni dela Cruz na agad namang dinala ng mga opisyales ng barangay sa malapit na bahay pagamutan ang sanggol na posible ilang araw palang bago ipinanganak dahil hindi pa masyadong naghilom ang sugat sa pusod nito.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-12 ang sanggol at nasa mabuti na itong kalagayan.

May be an image of babyMay be an image of child and grass

May be an image of outdoors

 

 

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...