Saturday May, 04 2024 02:41:45 PM

COVID-19 cases in Kidapawan manageable, mayor says

HEALTH • 09:30 AM Sun Jun 13, 2021
737
By: 
NDBC NCA / dxnd

KIDAPAWAN CITY - Manageable naman ang COVID-19 cases sa lungsod, yan ang pahayag ni City Mayor Joseph Evangelista nang tanungin kung pabor ba ito sa pag-lift ng Provincial Inter-Agency Task Force sa pagpapatupad ng General Community Quarantine sa lalawigan.

Nabatid na patuloy pang tumataas ang kaso ng COVID-19 infection sa Kidapawan City kung saan madalas na nakakapagtala ito ng double-digit number of cases sa nakaraang mga Linggo.

Paglilinaw ng Alkalde, kung pagbabasehan ang statistika sa kanilang data analyses, lumalabas na mataas ang natatalang kaso sa lungsod dahil sa delayed na report ng mga laboratories na nagpo-proseso ng RTPCR results.

Anya may mga pagkakataong namamatay nalang ang pasyente hindi pa lumabas ang resulta ng RTPCR result nito.

Ito ang dahilan kung kaya ay binigyang diin ng alkalde ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling Molecular laboratory upang mabilis na makuha ang test results ng RT-PCR.

Umaasa naman ang alkalde na magagamit na ang ginagawang molecular laboratory sa lungsod bago pa man dumating ang buwan ng Nobyembre.

Maliban dito patuloy din ang konstruksyon ng mga dagdag na mga isolation facility sa lungsod ngayong may COVID-19 surge sa lalawigan.

DENR-12 MANP Cotabato documents encounter with "Ibong Adarna"

KIDAPAWAN CITY - Four birds of the Philippine Trogon (Harpactes ardens), a bird species associated with the mythical Ibong Adarna, were documented...

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...

Barangay treasurer sa Cotabato City, anak na babae, patay sa ambush, isa pa sugatan

COTABATO CITY - DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang si Mhadz Mamantal, Treasurer ng Mother Barangay Bagua, driver ng...

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...