Mlang Mayor Abonado, isinugod sa ospital, nasa stable ang kalagayan
Stable ang condition ni M'lang Mayor Russel Abonado matapos itong isugod sa isang ospital sa M'lang, Cotabato.
Sinabi ni M'lang MDRRM Officee Bernardo Tayong na naka self quatantine si Mayor Abonado dahil close contact siya ni Mayor Pip Limbungan ng Tulunan na nagpositibo sa COVID-19.
Nauna ng nagnegatibo sa antigen test ang alkalde pero kahapon ay nagreklamo itong masakit ang kanyang likud kaya isinugod sa ospital.
Bukas ay matatapos na sana ang quarantine ni Mayor Abonado.
Ngayong araw ay inaantay nalang ang RT-PCR test ni Mayor Abonado at ililipat ito sa isang ospital sa Davao para tingnan ang health status ng alkalde.
Nilinaw rin ni Tayong na hindi toto ang balitang na-mild stroke ang alkalde. Nagpapagaling lang aniya ang alkalde sa kanyang iniindang sakit sa likud.
Dagdag ni Tayong na magbibigay ng update ang LGU hinggil sa health status ng alkalde.