Sitwasyon sa Datu Paglas, Maguindanao, normal na sabi ng Army
NORMAL na ngayon ang sitwasyon sa Datu Paglas, Maguindanao matapos na mapigilan ng Army ang pananalakay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Kasabay nito, nanawagan si 6th Infantry Diviison commander Maj. Gen. Juvymax Uy sa publiko na manatiling alerto at i-report sa Army o PNP ang mga masasamang elemento sa kanilang paligid bago pa sila makagawa ng karahasan.
Pinasalamatan rin ni Gen. Uy ang mga local offiial ng bayan na agad kumilos upang mapigil ang mas malaking kaguluhan at walang madamay o masawing mga sibilyan.
Matapos na mabawi ang palengke ng Datu Paglas mula sa kamay ng BIFF, agad na binuksan ang national highway at ang pagbubukas ng mga tindahan sa pamilihang bayan.
Nilinaw Gen. Uy na walang hostage taking na naganap, walang sibilyan na nasawi o nasaktan at lalong walang nasawi sa panig ng tropa ng pamahalaan.
Sa clearing operation, naka-recover ng mga improvised bomb at armas ang Army sa Datu Paglas public market.