Friday May, 03 2024 04:10:07 PM

3 katao arestado sa ibat-ibang kaso sa South Cotabato

Peace and Order • 09:45 AM Fri Apr 30, 2021
921
By: 
John M. Unson
Mga kasapi ng South Cotrabato PNP nagpapatupad ng quarantine protocols upang ligtas ang publiko laban sa virus. (Photo by John Unson)

KORONADAL CITY – Tatlong taong may ibat-ibang kaso ang na-aresto sa magkaka-hiwalay na police operations araw ng Huwebes sa probinsya ng South Cotabato.

Ayon sa South Cotabato Provincial Police Office, unang na-aresto kahapon, April 29, sa Barangay Malaya sa bayan ng Banga, South Cotabato, si Ever Vicente Cabines na may kasong pagnanakaw na  2nd Municipal Trial Court ng Banga at Tantangan municipalities.

Ang warrant na isinilbi kay Cabines ng Banga Municipal Police sa ilalim ni Police Lt. Ricky Estorque Frias, ay pirmado ni Judge Glen Quimba.

Na-aresto din kahapon ng mga miembro Tantangan Municipal Police Office, sa operasyong pinangunahan ni Police Capt. Brandie Rasos, si Neilboy Tumaras, wanted sa kasong tangkang pangagahasa.

Ang kasong attempted rape laban kay Tumaras ay nakasalang sa Regional Trial Court Branch 45 sa Surallah, South Cotabato.

Ang warrant of arrest para kay Tumaras, nadakip sa Barangay Maibo sa Tantangan, ay pirmado ni Judge Vicente Peña.

Sunod na na-aresto kahapon din sa Barangay Magsaysay sa bayan ng Polomolok, si Xyrille Ian Balongay, may kasong rape.

Ang operasyon na nag-resulta sa pagkaka-huli kay Balongay ay isinagawa ng mga myembro ng Polomolok municipal police na pinangunahan ni Police Lt. Col. Alex Joe Orcajada.

Si Balongay at nakasuhan ng rape sa Regional Trial Court Branch 62 sa Polomolok.

Si Judge Edwin Boncavil ang nag-utos na ipa-aresto si Balongay.

Si Cabines, Tumaras at Balongay ay naka-kulong na sa mga detention facilities ng mga police stations sa Banga, sa Tantangan at sa Polomolok, ayon sa pagkaka-sunod.

 

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...