Monday May, 20 2024 10:07:21 AM

Girl, 10, dies while toying 12-gauge shotgun that accidentally goes off

Local News • 16:15 PM Wed Apr 7, 2021
767
By: 
RADYO BIDA KORONADAL
The victim's pellet wounds. (Photo courtesy of Lutayan PNP)

KORONADAL CITY - Patay ang isang 10 taong gulang na babae matapos aksidenteng mabaril ng nakakabatang kapatid sa kanilang bahay sa Lutayan, Sultan Kudarat.

Nangyari ang aksidente bahay ng mga biktima sa Purok Pag-asa, Barangay Palavilla, Lutayan kahapon, April 6.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinaglalaruan ng biktimang si alyas Mimi, 10 taong gulang at Grade 4 pupil at kapatid nitong 7 taong gulang ang homemade shotgun nang aksidente itong pumutok at tinamaan si Mimi.

Nagtamo ito ng pellet wounds sa dibdib at agad na isugod sa South Cotabato Provincial Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival

Ayon sa ina nitong si alyas Angel, nangangahoy lamang sila kasama ang mister nito na stepfather ng mga bata nang makarinig sila ng putok ng baril, at pagdating sa bahay ay bumulagta na sa kanila ang duguang katawan ni Mimi.

Sa ngayon ay nakalagak na sa isang punerarya ang bangkay ng biktima kung saan humihingi ng tulong ang pamilya para sa mga bayarin dito.

Cardinal Quevedo's statement of condemnation on Cotabato chapel bombing

As a member of the BARMM Council of Leaders representing the Christian Settler Communities and as Catholic Cardinal, I condemn in the strongest terms...

NDBC BIDA BALITA (May 20, 2024)

HEADLINES 1   DALAWA SUGATAN nang pasabugan ng granada ang isang kapilya ng Simbahang Katoliko sa Cotabato City 2  ...

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...