Lalaking taga Kidapawan, nagpa-xray, nadiskubreng may kutsilyo pala sa katawan
KIDAPAWAN CITY – Mahigit isang taon na dala-dala ng isang binata ang kutsilyo sa loob ng kanyang katawan nang hindi niya namalayan hanggang sa siya ay magpa x-ray.
Siya ay si Kent Ryan Tomao, 25 years old na taga Amazion, Kidapawan City.
Personal na ibinahagi sa DXND Radyo Bida ni Kent ang pangyayari kung saan sinaksak ito ng mga nang-trip sa kanya noon pang nakaraang taon.
Nadiskubre na lamang doon sa Agusan Del Sur na may kutsilyo pa pala sa loob ng kanyang katawan matapos isagawa ang XRAY procedure dahil nag-apply siya ng trabaho sa isang mining firm.
Inakala ni Kent na okay na siya matapos makalabas ng ospital sa Kidapawan noong nakaraang taon.
Nagmamaneho siya ng motor nang saksakin ng di nakilalang suspect. Akala niya suntok lang.
Sinabi rin ni Kent na kapag malamig ang panahon, nakakaramdam siya ng kirot.
Nanawagan siya ng tulong sa DXND para maalis ang kutsilyo sa kanyang katawan.