Friday May, 03 2024 07:18:53 AM

Tatay-tatayan, tinali sa paa at kamay ang step son dahil sa selos sa ina ng bata

Local News • 21:30 PM Fri Feb 26, 2021
1
By: 
DXOM Radyo Bida

BULUAN, MAGUINDANAO - Nasa kustodiya na ngayon ng kapulisan ang isang indibidwal matapos umanong itinali nito ang kaniyang stepson bilang “prank” para sa asawa nitong nasa Maynila.

Ito’y makaraang umani ng batikos at pagkondena ang larawan na naging viral kung saan nakatali ang kamay at paa ng isang bata at katabi pa nito ang isang bolo.

Ngunit sa panayam ng Radyo Bida Koronadal kay Buluan PNP chief of police Lt. Cemafranco Cemacio, inihayag nitong hindi umano sinaktan ng suspek na si alyas Jong, 28 anyos at residente ng Buluan, Maguindanao ang kaniyang 10 taong gulang na stepson.

Ayon kay Cemacio, ginawa umano ng mag-ama ang naturang prank matapos nagseselos umano si Jong lalo pa’t may mga naririnig siyang haka-haka na mayroon umanong ibang kinakasama ang kaniyang misis habang nag-apply sa abroad sa Maynila.

Ipinaliwanag rin nito na tinalian ni Jong ang mga kamay at paa ng bata kasabay sa paglalagay ng bolo bilang isa lamang umanong pagbabanta sa kaniyang asawa upang kaagad itong umuwi sa Buluan, kung saan ibinunyag rin nitong maging ang bata ay sumang-ayon pa sa naturang plano.

Ganunpaman, kusang sumuko si Jong nang dumating ang kapulisan habang nasa pangangalaga naman ng MSWDO ang bata na nasa maayos na kalagayan.

Sasampahan ang suspek ng mga kasong paglabag sa RA 7610 o child abuse, at RA 9262 o Violence Against Women and Children Act.

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...