Apat katao patay sa pamamaril sa Maguindanao!
DATU ANGGAL MIDTIMBANG, Maguindanao - DEAD on the spot ang apat katao matapos pagbabarilin sa Brgy. Tulunan, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao pasado alas tres ng hapon kanina.
Kinilala ang mga biktima na sina PFC Heredin K. Kanakan na taga Brgy. Sta Cruz, Koronadal City, Heredin Kamidon Kanakan taga Almonte Street, Cotabato City, Fatima Manampen Usman taga Muntinlupa City at isang hindi pa tukoy ang pangalan.
Ayon sa inisyal na ulat ng Maguindanao Provincial Police, lulan ng puting multicab ang apat na mga biktima at habang binabaybay nila ang national highway ay pinagbabaril sila ng hindi pa tukoy na mga salarin.
Nakita sa crime scene ang iba't ibang empty shells ng 5.56 caliber pistol at 45 caliber pistol.
SAMANTALA, nakuha sa mga biktima ang tatlong sachets ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na mahigit kumulang anim na gramo.
Nagsasagawa pa sa ngayon ng malalimang imbestigasyon ang Maguindanao Police.