NDBC COVID WATCH: 46 test positive of virus, 25 recover and 4 deaths
HEALTH • 21:00 PM Fri Sep 25, 2020
804
By:
Edwin O. Fernandez
COTABATO CITY - APAT ANG NAPAULAT na namatay dahil sa Covid 19 sa Region 12 hanggang kagabi. Dahil diyan, meron na ngayong 31 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus.
SA report ng DOH-12 kagabi, naitala rin ang 46 na bagong kaso habang may 25 mga pasyente naman ang gumaling.
Dalawa sa mga nasawi ay taga Gen. Santos City na isang 49-year-old na babae at isang 74 year old na babae habang isa ang taga Cotabato City na 30 taong gulang na lalaki.
Isang taga Pigcawayan din ang nasawi at siya ay ang 66 na taong gulang na babae.
SA 25 mga gumaling, 14 ang mula sa South Cotabato, lima ang taga North Cotabato, apat mula sa Gen. Santos City, at dalawa sa Sultan Kudarat.
Dahil sa 46 na bagong kaso, ang rehiyon ay meron nang kabu-uang 1,275.