COVID WATCH: Preventive lockdown sa Pres. Roxas, Cotabato, inalis na
PRESIDENT ROXAS, NORTH COTABATO - Epektibo kahapon, inalis na ang ipinatupad na Preventive Lockdown sa Barangay Kisupaan President Roxas, North Cotabato makaraang magpositibo ang isang LSI na nakalabas at makauwi sa kanilang bahay pagkatapos ng kanyang mandatory quarantine period.
Ayon kay Municipal health Officer Dr. Dominic Laus, ito’y makaraang magnegatibo na sa swab test ang higit isang daan na mga ndibidwal na nakaclose contact ng nasabing pasyente kabilang ang kanyang pamilya.
Dahil dito, bukas na ang Barangay Borders ng Barangay Kisupaan sa publiko at maaring makabalik na sa kanilang regular na aktibidad pero patuloy pa rin ang pagsunod at pag obserba sa proper health protocols.
Pinasalamatan naman ng Local Government ng President Roxas ang mga residente ng Barangay Kisupaan dahil sa patuloy na pakikipagtulungan at kooperasyon habang umiiral noon ang Preventive Lockdown.
Panawagan naman ni Laus sa lahat na iwasan ang pagdiscriminate sa mga COVID-19 patient at tiniyak nitong nakaquarantine pa rin ang lahat ng mga nagkaclose contact ng pasyente.