Wednesday Jun, 26 2024 07:56:18 PM

Koronadal City nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19

HEALTH • 16:00 PM Wed Apr 8, 2020
1
By: 
Roel Osano/Radyo/Bida Koronadal

KORONADAL CITY - Clinically recovered na o posibleng wala nang sintomas ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang isang 59 years old na lalaki na unang tinamaan ng Coronavirus disease o COVID-19 sa Koronadal City.

Ito ang nilinaw ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr.

Ayon kay Aturdido, ang nasabing COVID-19 patient ay sumasailalim ngayon sa 14-day home quarantine. Ito ay habang hinihintay ang resulta ng ikalawang COVID-19 test para matiyak kung tuluyan na itong negatibo sa nasabing virus.

Sinabi ni Aturdido na ang nasabing COVID-19 patient ay may travel history sa Tacloban City at Cebu City.

Mula Cebu dumating ito sa Davao City sakay ng eroplano noong March 8 kung kelan siya sinundo ng kanilang private vehicle pauwi ng Koronadal.

Ayon kay Aturdido ang nasabing pasyente ay komunsulta sa doktor noong March 9 bilang outpatient matapos makaramdam ng mga sintomas ng COVID-19.

Pero noong March 20 na-admit na ito sa ospital ngunit na-discharge din noong March 26 at nag-home quarantine matapos bumuti ang kanyang kalagayan.

Ipinagpasalamat naman ni Aturido na wala sa mga kaanak o kasama sa bahay ng pasyente ang nakitaan ng sintomas ng COVID-19. Paliwanag ni Aturdido naging dahilan nito ang mariing pagsunod ni patient PH 3722 sa self-isolation.

Nilinaw din ni Aturdido na hindi pumunta sa isang mall para mag-grocery ang nasabing pasyente na taliwas naman sa mga kumakalat sa social media sites.

Sa ngayon ang South Cotabato ay mayroon nang tatlong kaso ng COVID-19.

Una nakapagtala ng kaso ng COVID-19 ang mga bayan ng T’boli at Banga. Ayon kay Aturdido walang local transmission ng COVID-19 sa South Cotabato dahil lahat ng mga biktima ay nahawa sa ibang lugar kaya walang dahilan para mag-panic ang mga mamamayan sa lalawigan.

Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Dr. Stephen Mortera ng City Health Office ng Koronadal na may ginagawa nang hakbang ang lokal na pamahalaan para mapaigting ang physical distancing ng mga mamamayan sa lungsod.

Ito ay bukod pa sa pagpapaigting ng kanilang contact tracing sa mga nasalamuha ng nasabing pasyente.

Cotelco announces June 30 power service interruption in Kabacan, Carmen

Entire Kabacan & part of Carmen town. TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): KIDAPAWAN CITY - The Cotabato Electric Cooperative (...

Cotabato Light announces power interruption sked for June 28

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced a scheduled power interruption affecting Dimapatoy, Datu Odin...

436 Moro boys circumcised in outreach mission

Health workers have circumcised 436 children from marginalized Moro families and treated more than a thousand others afflicted with common ailments...

Rouge Moro group harasses village, prevent relief mission for residents

COTABATO CITY - Moro gunmen on Tuesday fired assault rifles at a barangay hall in Bialong in Shariff Aguak, Maguindanao del Sur and prevented...

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...