SoCot ARBO products bumida sa Tnalak Festival 2019
AGRICULTURE • 18:00 PM Tue Jul 16, 2019
1
By:
Kenneth Torre, Ayesa Echalico and Leidenep Yecla/DAR-South Cotabato)
KORONADAL CITY – Nagpakitang gilas ang mga miembro ng Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) ng South Cotabato at nagdala ng maraming gulay at pruytas sa 20th Tnalak Festival at 53rd Foundation Anniversary ng lalawigan.
Ang mga ARBs ay mula sa 10 bayan ng lalawigan at mga beneficiaries ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Ang “Bahay Kubo” contest ay nagpapakita ng mga maraming produktong agrikultura mula sa lalawigan.
Ipinagmamalaki ng mga ARBs ang mga preskong gulay at prutas na bihirang makita sa ibang lalawigan.
Ang pag-display ng mga produktong dumaan sa kamay ng mga ARBs ay patunay ng tagumpay ng programang pang-agraryo.
Ang Tnalak Festival ay magtatapos sa July 18. Ito ay nagsimula noong July 12.