NPA slain in clash with gov't troops in S. Cotabato
KORONADAL CITY - Kasapi ng Guerilla Front 73 ng New Peoples Army o NPA na kanilang naka-engkwentro ang napatay ng mga kasapi ng militar sa Tupi, South Cotabato.
Ito ang ipinahayag ni 27th IB Commading Officer Lt. Col. Jones Brisal Otida sa panayam ng RAdyo Bida Koroandal.
Ayon kay Otida, nakasagupaan ng nagpapatrolyang tropa ng pamahalaan ang mga myembro ng NPA sa liblib na Sitio ng Pangi, Barangay Lunen,Tupi, South Cotabato.
Ipinahayag ni Otida na ang engkwentro sa pagitan militar at NPA kahapon ng madaling araw ay tumagal ng halos sampung minuto. Naniniwala din si Otida na maliban sa napatay na myembro umano ng NPA sugatan maaring sugatan din ang iba pang mga kasama nito.
Ito ay base naman sa mga bakas ng dugo na nakita ng mga ito sa lugar. Narekober ng mga sundalo sa lugar na pinangyarihan ng sagupaan ang M14 rifle , Baby Armalite at mga personal na gamit ng mga rebelde.
Nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng militar sa mga naka-engkwento nilang may sampung myembro ng NPA na tumakas patungong, Banga, South Cotabato