Monday Jun, 24 2024 02:44:11 AM

Ang Pebrero Ay BUWAN NG SINING

Local News • 16:02 PM Thu Feb 9, 2017
1,207
By: 
Rene S. Napeñas, Puno ng Tanggapan ng Impormasyon at Ugnayang Pangmadla (Public Affairs and Informat

MANILA -- Ang
Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), ang pangunahing
kawanihan ng katutubo at makabagong likhang-diwa at moog ng mga malayang
manlilikha ng bayan.Pinangungunahan ng Pambansang Alagad ng Sining at
Tagapangulong si Virgilio Almario, kasama ng Nanunungkulang Punong
Tagapagpaganap na si Marichu G. Tellano, kaisa ang buong bansa sa pagdiriwang
ng malikhaing kasiningan gawang-kamay man o gunitang-isip ng mga makasining
nating mamamayan sa buong kapuluan ngayong buwan ng Pebrero.Ang
pangunahing nagbabalangkas ay si Komisyonado Teddy Co Ng Subcommission on the
Arts (SCA) kasama ang Pambansang Lupon Sa
Arkitektura, Pelikula, Sayaw, Panitikan, Musika, Tanghalang-Sining o Teatro, at
Sining Biswal o Visual Arts.Ina-anyayahan ang lahat na makibahagi sa gawaing
maka-sining na binibigyang-diin at pinalalaganap sa buong bansa para pukawin
ang ating kamalayan sa ganang ipagmalaki, alagaan at pagyamanin ang ating mga
pamanang makasining at pagtuunan ang ating mga malikhaing adhika’t gawain.Ngayong
taon, inilalatag ng SCAang
paksang Malikhain. Mapagbago. Filipino para sa pagdiriwang ng Pambansang
Buwan ng mga Sining. Ang temang Ito ay nagpapahayag sa mapagpalaya at
makapangyarihang pagpapala ng sining na nakapupukaw ng kamalayan na tanging
kailangan sa tuluyang pagbabago ng lipunang Filipino.Naihahayag din ang sining
bilang salamin ng kaluluwang-bayan kung saan nagmumula ang pagpupunyagi
ng kagalingang Filipino.Gaganapin
ang pambungad na programa ng NCCA sa ika-5 ng Pebrero sa Luneta o (Liwasang Rizal) para sa
pagdiriwang ng buwan ng sining.Magkakaroon ng libreng pagtuturo ng kasanayansa ibat-ibang sining sa hapon at palabas
sa gabi, kasama ng iba't iba pang pangyayari, mga gawain at palabas na
ilulunsad ng parehong lokal at pambansang pamahalaan, pati ng mga pribadong
institusyon na kabalikat at kapanalig ngNCCA.
Bababa
ang telon sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Sining sa paggawad ng Ani Ng Dangal (Harvest Of Honors) para
sa mga Alagad ng Sining na humakot ng papuri at nagkamit ng parangal mula sa
ibang bayan. Kikilalanin at pararangalan sila sa huling linggo ng Pebrero. Ang
taunang pagdiriwang ay nagsimula sa pagpirma ng Proklamasyon Blg. 683 noong
1991 na nagdedeklara sa buwan ng Pebrero bilang Buwan ng mga Sining. Sa
paglipas ng panahon, ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining,
kabalikat at kapanalig ng mga pribadong institusyon at iba’t iba pang kawanihan
ng pamahalaan ay naglulunsad ng mga kaganapan at gawaing nagpapatingkad samakasining na kinang at galing ng
Filipino.

11 Dawlah Islamiya terrorist group members surrender to Army in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na sugpuin ang terorismo, tinulungan ng 6th Infantry Battalion (6IB...

Caritas Philippines to launch award in memory of ‘social action pillar’ in PH

Caritas Philippines is introducing an award to honor diocesan social action centers (DSACs) that have done exceptional work. Bishop Jose Colin...

Village exec in firearms deal slain ni Lanao Sur ops

COTABATO CITY — An incumbent village chair in Lanao del Sur was killed when he resisted arrest and traded bullets with the agents of Criminal...

Survey shows BARMM likely voters unaware of 2025 poll processes

COTABATO CITY  – The majority of likely voters in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) lack awareness of the new voting...

Selection of officials for 8 Bangsamoro towns on

COTABATO CITY - Bangsamoro regional officials are now screening applicants for mayor, vice mayor and municipal councilors for the eight newly-...