Toyota Hi-Lux pick-up, nadisgrasya sa Kabacan, North Cotabato
Peace and Order • 16:00 PM Wed Nov 3, 2021
877
By:
DXND radyo Bida
LOOK: Bumaliktad ang isang pick-up truck at nahulog sa palayan matapos masangkot sa vehicular crash sa Sitio Lumayong, Barangay Kayaga, Kabacan, North Cotabato kahapon ng pasado alas 4 ng hapon.
Kinilala ng Kabacan Municipal Police station traffic section ang driver ng pick-up na si Halid Pandita nasa hustong gulang.
Base sa impormasyong nakuha ng Radyo BIDA, pumutok ang unahang gulong nito na siyang dahilan na nawalan ito ng kontrol at aksidenteng nabangga sa nakaparadang Kobuta kaya bumaliktad ito.
Ligtas namang lumabas sa kanyang sasakyan si Pandita matapos ang nangyaring aksidente.