Saturday Apr, 20 2024 08:40:21 AM

Tangkang pagnanakaw sa "tuway-tuway" ng namatay na bata sa Koronadal, napigilan

Local News • 13:15 PM Sun Mar 31, 2024
1
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal
Mga larawan ibinahagi ni Jane Marie Salbonez.

KORONADAL CITY - Napigilan ang sanay pagnanakaw ng knee cap o "Tuway-Tuway" ng pitong taong gulang na batang namatay at kalilibing lang sa sementeryo ng Koronadal City.

Ayon sa pahayag ng ama, binisita niya ang libing ng anak noong Biernes Santo o siyam na araw mula nang ito ay mailibging sa Catholic cemetery sa Barrio 4.  Nagulat siya nang makitang nakaluwal na ang mga paa ng kanyang anak mula sa nitso nito.

Agad siyang nagreport sa caretaker ng sementeryo na agad nagsumbong sa barangay official.  Tumawag naman ng pulis ang barangay official.

Sa pahayag ng lola ng bata na si Rosanna, ang pitong taong gulang na apo na si Christian ay namatay dahil sa peumonia at inilibing noong March 20. 

Nagbigay naman ng pahayag ang embalsamador ng bata na posibleng babalik pa ang magnanakaw pagsapit ng alas dose ng hatinggabi ng Biernes Santo upang kunin ang tuway-tuway at iba pang parte ng katawan ng bata upang gamiting anting-anting.

Nialibing na uli ang bata at inayos na din ang kanyang nitso habang mahigpit ang pagbabantay ng cemetery caretaker.

May be an image of 6 peopleMay be an image of 4 people and text

New airline to fly across BARMM

COTABATO CITY — Bangsamoro Airways, a pioneering airline based in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), will begin flying...

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...