Suspect sa rape-slay ng 10-year-old pupil sa Tupi, South Cotabato patay nang manlaban daw sa PNP
KORONADAL CITY - Suspek sa pagpaslang sa 10 anyos na Grade 4 student sa Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato patay matapos umanong manlaban sa mga pulis.
Sa panayam ng Radyo Bida kay PLt. Richard Ho, deputy chief of police ng Tupi PNP, sinabi nito na isinasailalim sa booking procedure ang 44 anyos na suspek na si alyas Ronald nang bigla umano nitong hablutin ang issued firearm ng police desk officer.
Nabaril naman ito ng mga rumespondeng kasama kung saan isinugod pa ang suspek sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng bala sa ulo.
Si alyas Ronald ang itinuturong suspek sa posibleng panghahalay at pagpaslang sa 10 anyos na batang babae matapos hindi na ito nakauwi mula sa paaralan kahapon, Mayo 10 bago natuklasang wala nang buhay sa Sitio Lemblisong sa naturang barangay.
Samantala, mahigpit na kinundina ng DepEd South Cotabato ang paggahasa at pagpatay sa mag-aaral.