Wednesday Jun, 26 2024 01:57:53 PM

Suspect sa pagpatay sa hepe ng Ampatuan PNP, naaresto ng CIDG sa Midsayap

Local News • 06:45 AM Thu May 30, 2024
340
By: 
DXMS NDBC
Ang suspect habang nagpapagaling sa ospital sa Midsayap, North Cotabato (CIDG photo)

COTABATO CITY - HULI habang nagpapagamot sa isang ospital sa Poblacion 1, Midsayap, North Cotabato, ang isang lalaking nahaharap sa patung-patong na kaso matapos ikasa ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM ang manhunt operation pasado alas 4:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ni CIDG BARMM Regional Chief Lt. Col. Ariel Huesca ang suspek na si Kamid Kambal Asam, alyas Kamir na taga Brgy. Lapok, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur. Nasa ospital siya dahil sa gunshot wounds na natamo sa di tinukoy na pangyayari.

Siya ay nahaharap sa kasong double murder, multiple frustrated murder, murder with less serious physical injuries, robbery at theft sa iba’t-ibang korte sa Maguindanao.

Sinabi ni Huesca na ang suspek ay sangkot sa nangyaring ambush sa  Barangay Kapinpilan, Ampatuan, Maguindanao del Sur noong August 30, 2022 na ikinasawi ng dating hepe ng Ampatuan PNP na si Police Lt. Reynaldo Samson at isa pang pulis.

Pauwi na sina Samson at limang tauhan sa Poblacion Ampatuan matapos mabigo na isilbi ang warrant of arrest laban kay Kamid Kambal na nahaharap sa kasong robbery.  

Pagsapit nila sa Sitio Pasio, Barangay Kapinpilan ay inambush sila ng mga kasapi ng BIFF na kinabibilangan nina Abdulnasser Sabtulah Guianid, Guipar Abdulkarim a.k.a. Commander Boy Jacket, Sala Tunda, Johari Abdulbasser Guinaid, Phepe Saptulah, Abdulrah Sapal, Bobot Kamsa and Kamir Kambal.

Silang lahat ay mga tauhan ni Kagi Karialan ng BIFF.

Kulong na ngayon ang suspek sa detention cell ng CIDG BARMM. Katuwang ng CIDG BARMM sa operasyon ang Maguindanao Sur Provincial Police Office, Ampatuan PNP, 2nd PMFC, Midsayap PNP at iba pa.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...