South Cotabato "samurai man" kills colleague
KORONADAL CITY - Dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital ang biktima na kinilala kay Ronelo D. Lumawag, 43 anyos, may asawa at utility worker sa provincial capitol matapos pagtatagain ng kasamahan sa trabaho gamit ang bolo.
Kinilala ang suspek kay Ric S. Villa, 59 anyos, may asawa at empleyado ng Provincial Government bilang utility worker.
Sa imbestigasyon ng Koronadal PNP, nangyari ang pananaga pasado alas 6:00 ng umaga kahapon sa compound nang provincial capitol kung saan mayroong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng suspek at biktima.
Nagtamo nang malubhang sugat sa ulo at sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital pero hindi na umabot ng buhay.
Sa ngayon, nasa lock-up cell na nang Koronadal PNP ang suspek na agad namang sumuko matapos ang krimen.