Friday Apr, 26 2024 10:41:14 AM

Retired cop patay sa pamamaril sa Koronadal City

Peace and Order • 15:30 PM Tue Feb 2, 2021
1
By: 
NDBC NCA /DXOM-RADYO BIDA KORONADAL

KORONADAL CITY - Patay ang isang retired police officer matapos na siya ay pagbabarilin kaninang umaga sa likurang bahagi ng public market ng Koronadal.

Kinilala ni Koronadal PNP Chief Investigator Police Lieutenant Reynaldo Sotelo ang biktima na si ret. Master Sgt. Armondo Domingo, 59 na taong gulang, taga Purok Leganes, Barangay Zone 1.

Binaril ang biktima habang bumababa sa pampasaherong tricycle na sinakyan nito sa Zulueta St. Barangay Zone 1, malapit sa gate 4 ng palengke mga alas 11:00 kaninang umaga.

Ayon kay Sotelo maaring may kaugnayan sa trabaho ng biktimang retiradong pulis ang pagkakapatay sa kanya.

Gayunpaman, ayon kay Sotelo, nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng Koronadal PNP sa insidente.

Sinabi ni Sotelo na si Domingo na dati ring kasapi ng Koronadal PNP ay naitalaga pa sa South Cotabato Provincial Police office bago nagretiro dalawang taon na ang nakalipas.

Ipinahayag naman ng nakasaksi sa pamamaril sa Radyo Bida Koronadal na nakita mismo nito kung papaano binaril ng patalikod ng angkas ng motorsiklo ang biktima bago tumakas.

Ayon sa saksi ang driver ng motorsiklo ay naka-helmet habang naka-bonnet naman ang angkas nitong siyang bumaril sa biktima.

Ang biktimang si Domingo ay ideneklarang dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital sanhi ng malubhang mga tama ng bala ng baril sa ulo at paa.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang limang mga basyo ng 45 pistol.

Nakaligtas naman matapos tumakbo mula sa crime scene ang driver ng sinakyang nitong tricyle.

Halos 80 kataong dumalo sa kasal naospital dahil sa food poisoning sa South Upi

HALOS 80 mga mamamayan ang na-isinugod sa matapos na sila kumain ng ginataang manok sa isang kasal sa Barnagay Pandan, South Upi, Maguindanao del Sur...

1 patay, 3 huli sa gun buy bust sa Maguindanao del Sur

TALAYAN, Maguindanao del Sur - ISA sa ang patay matapos mauwi sa shootout ang ikinasang firearms buy bust operation ng CIDG-BARMM sa Barangay...

AFP chief hails bravery of 7 soldiers hurt in clash vs. BIFF

MANILA – Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. on Wednesday visited and lauded the seven wounded soldiers for their...

Cotabato Light: April power bill for residential slightly higher

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) is higher by 0.2408 centavos, or equivalent to a...

Villagers displaced by hostilities between 2 Moro factions

COTABATO CITY - A Moro gunman was killed while six others were reportedly hurt in a series of gunfights on Wednesday afternoon in Barangay Banucagon...