Wednesday Dec, 06 2023 10:46:14 PM

Pulis, nagpaputok ng baril sa Kidapawan, pamangkin patay nang tamaan

Peace and Order • 11:00 AM Mon Nov 13, 2023
489
By: 
Drema Quitayen Bravo/NDBC
Ang suspect na police na nakatalaga sa Magpet, North Cotabato. (DXND photo)

KIDAPAWAN CITY - DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang dalagita nang aksidente tamaan ng bala nang magpaputok ang kanyang tiyuhing pulis, pasado alas 7:00 ng umaga kahapon sa Sitio Mateo, Brgy. Birada.

Kinilala ang nasawing biktima na si Hazel Jumuad Maangue, 13-anyos, estudyante, habang kinilala naman ang suspek na si Police Corporal Roy Soliva Maangue, 36-anyos na nakatalaga sa Magpet PNP, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng Kidapawan PNP, naganap ang insidente nang magkaroon ng pagtatalo ang pulis at kanyang kaanak habang nag-iinuman sa nasabing lugar.

Dahil dito, tatlong beses nagpaputok si Corporal Maangue gamit ang kanyang service firearm na Glock 17 9mm pistol at aksidenteng tinaaman ang kanyang pamangkin.

Tinamaan ang biktima malapit sa kanyang lalamunan na agad namang isinugod sa ospital pero idineklara ring dead on arrival.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang PNP at nasa kulungan na ngayon ang nasabing pulis.

BARMM turned over MILG building in Pigcawayan and Midsayap SGA clusters

The new Ministry of the Interior and Local Government Field Office opened on December 4, 2023, at Brgy Datu Binasing, Pigcawayan Cluster of the BARMM...

PNP tags 2 Daulah Islamiyah members as suspects in MSU bombing

MANILA – The Philippine National Police (PNP) on Wednesday identified the two persons of interest (POI) allegedly linked to the Dec. 3 bombing...

SK gov offers P1-M for arrest of MSU bombers

KORONADAL CITY  – A P1 million reward will be given for any information on the identification, whereabouts, and eventual arrest of persons...

3 face illegal possession of 6 rifles, narcotics raps

COTABATO CITY -  The Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region confirmed on Tuesday that the three residents of this city captured...

NDBC BIDA BALITA (Dec. 6, 2023)

HEADLINE 1   NOTRE DAME University sa Cotabato City, may 32 BAR passers; Babaeng Jail Officer sa BARMM, isa naman sa mga pumasa 2023...