Phil flag, nakahalf mast sa Maguindanao Norte PPO bilang pagpugay sa nasawing mga police
Local News • 06:45 AM Thu Jan 4, 2024
421
By:
DXMS NDBC
NAKA-HALF mast ngayon ang Philippine flag sa Maguindanao del Norte PPO bilang pagpapakita ng pakikiramay at pagdadalamhati sa pagkasawi ng police escort na si PSSg Zahraman Mustapha Diocolano at PSSg Abdulgapor Macapeges Untal.
Si Diocolano ay binawian ng buhay matapos barilin sa Rosales Street, Rosary Heights 6, Cotabato City alas dos kahapon.
Habang si Untal ay binaril ng nakaalitan nitong sibilyan sa Parang, Maguindanao del Norte kagabi.
Kasabay ng sakit na kanilang nararamdaman, sumasaludo ang buong Maguindanao del Norte Police at PRO-BAR sa dalawang mga nasawing pulis.