Tuesday May, 14 2024 01:40:07 PM

OFW mula Norala, South Cotabato, pinatay ng amo sa Kuwait

Local News • 05:45 AM Thu Jan 2, 2020
2
By: 
Roel Osano
Si Jeanelyn Villavende at ang kanyang pamilya.

KORONADAL CITY - Sumisigaw ngayon ng hustisya ang mga kaanak ni Jeanelyn Villavende, 26 years old ng Barangay Tinago sa Norala, South Cotabato na isang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos itong patayin ng kanyang babaeng amo sa Kuwait noong Dec. 30.

Pangarap lamang ng dalagang si Villavende na maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya at makatulong sa magsasakang ama kaya ito nangibang bansa noong Hulyo.

Ito ay ayon sa kanyang tiyahin at stepmother na nagpalaki sa kanya na si Nelly Padernal.

Pero ang mga pangarap na ito ayon kay Padernal ay biglang gumuho nang ipaalam mismo sa kanila ng isang taga Department of Foreign Affairs noong December 31 ang pagkamatay ng nasabing OFW.

Ito ay dahil umano sam pambubugbog ng kanyang amo.

Aminado si Padernal na nagalala na ito sa kalagayan ni Jeanelyn dahil hindi na nila ito gaanong nakakausap simula pa noong Oktobre.

Kung nakakausap man nila ito, ito ay sandali lamang at katabi pa umano ang kanyang among babae..

Ayon kay Padernal agad naman nila itong ipinaalam sa recruitment agency ni Jeanelyn sa Tacurong City , Sultan Kudarat na pinangangakuan lamang sila magbibigay ng update sa kalagayan nito.

Matapos ipagutos ni Pangulong Rodrigo Duterte bumisita na kahapon sa bahay mismo ng nasawing OFW sa Norala si OWWA Administrator Hanz Leo Cacdac na tiniyak ang tulong sa mga naulila ng biktima.

Ayon kay Padernal maliban sa tulong pangkabuhayan bibigyan din ng scholarship ang nakababatang kapatid ni Jeanelyn na pangarap nitong makapagtapos ng pagaaral.

Pero ayon kay Padernal hiling nila sa pamahalaan na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Jeanelyn na marami pa sanang mga pangarap para sa kanyang pamilya.

Ayon kay Padernal, agad na inaresto ng mga otoridad ang magasawa Kuwaiti na employer ni Jeanelyn sa ospital na kanilang pinagdalhan sa kanya.

BARMM youth nanawagan ng BTA extension

COTABATO CITY - Nagtipon ngayong umaga sa Gutierrez Avenue papasok ng Bangsamoro Government Center ang grupo ng mga kabataan para ipanawagan ang BTA...

Son stabbed dead, daughter wounded by father in MagNorte rampage

COTABATO CITY - A man stabbed his 11-year-old son dead and seriously wounded her adolescent daughter in a rampage at about midnight Sunday in...

Shiek Guiamaden named Bangsamoro 'Wali'

COTABATO CITY — The Bangsamoro Parliament convened in a special session on Monday, May 13, to officially appoint Sheikh Muslim Guiamaden as the new...

Wanted MILF commander, nakatakas sa CIDG operation sa MagNorte, bata ginamit na human shield

COTABATO CITY - Nakatakas sa warrant implementation ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM si Musa Alamada o kilala bilang...

Cotelco announces power interruption for May 14 in Kabacan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...