NoCot exec joins anti-polio drive
KIDAPAWAN CITY - "Kaya nating labanan ang sakit na polio sa pamamagitan ng kalinisan at bakuna."
Ito ang naging pahayag ni Cotabato Governor Nancy Catamco sa ginanap na send off ng “Sabayang Patak Kontra Polio” kahapon ng umaga sa Amas Provincial Capitol.
Kasama sa ginanap na seremonya si IPHO Chief Dra. Eva Rabaya at Board Member Philbert Malaluan.
Layon ng aktibidad na mapag ibayo ang kampanya kontra polio sa pamamagitan ng pagbibigay ng tatlong ulit na patak sa mga batang 0 hanga't 59 buwan.
Bilang imahe ng liderato, hinimok ng Gobernadora ang mga empelyado ng probinsya na maging responsable sa pagpapalakas ng kampanya patungkol sa kalinisan para sa kalusugan. Dahil naniniwala sya na ang polio ay kayang labanan sa pamamagitan nang tamang pangangalaga at bakuna.
Kanya ring hinimok ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan, mga magulang at mga nagbabantay ng mga bata na protektahan ang kanilang mga kabataan sa pamamagitan ng pakikiisa at pagbigay daan upang silay mabakunahan.
Kasabay ng ginawang pagdalaw ng Gobernadora sa Sto Nino evacuation camp, sa Barangay Sto Nino, Makilala, North Cotabato. Nagsawaga rin ng pagpatak ang mga BHW ng barangay kasama ang mga kawani ng Municipal Health Office. Nakapag bakuna sila ng 104 na kabataan kanina.
Ayon kay Barangay Chairman Glen Romero masigasig nilang isinusulong ang partisipasyon sa bakuna dahil mahalaga ito sa pag iwas ng mga sakit.
Lahat nga mga pamilyang may kabataan ay tinatawagan ngayon na magpabakuna. Ipinaalala ng IPHO na walang over dosage sa bakuna ng polio kaya di dapat katakutan ang paulit ulit na patak. Mas mabuti diumano na ito ay maulit ng maraming beses upang maging mas epektibo.
Maging ang mga temporaryong naninirahan sa probinsya ay maari na rin magpapatak ng kanilang anak upang masiguro na nakibahagi sila sa bakuna.