NDBC COVID-19 WATCH: Bilang ng COVID-19 positive sa BARMM, lampas 2k na
HEALTH • 07:30 AM Tue Nov 3, 2020
730
By:
NIGEL PAUL FLORA SUMANGHID/EDWIN O. FERNANDEZ
COTABATO CITY - Dalawa pang mga pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa COVID 19 sa Bangsamoro Region.
Ang mga nasawi ay mula sa Lanao del Sur at Sulu. Dahil dito abot na sa 72 ang bilang ng mga nasawi.
Kahapon din, 79 na bagong mga pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga nagpositibo sa sakit kung kayat abot na ngayun sa 2,066 ang total Covid 19 positive sa rehiyon.
Sa naturang bilang, 77 ang naitala sa Lanao del Sur at Marawi City at dalawa naman sa Sulu.
Sa ngayun abot na sa 1,008 ang bilang ng mga nagpopositibo sa Lanao del Sur, 497 sa MAguindanao, 162 sa Basilan at Lamitan, 152 sa Sulu at 127 sa Tawi-Tawi.